SINUMPAANG PANATA

SINUMPAANG PANATA

October 31, 2026 (8:34 PM)

1 min read

1 views

Photo and caption by Mary Ella Lou Llanes.

    Written by:

    Atenews

    Tags:


“Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?”

Ang linyang ito mula sa kantang inilabas ni Gloc-9 noong 2011 ay nananatiling masalimuot na reyalidad para sa mga nars at health workers sa bansa. Sa paghahanap ng marangal na kabuhayan, marami ang napipilitang mangibang-bansa upang maitaguyod ang mas magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya.

Sa gitna ng mga sakuna at krisis, patuloy na naglilingkod ang mga nars nang may malasakit at dedikasyon, hinaharap ang pagod, takot, at panganib upang alagaan ang iba sa kabila ng sarili nilang paghihirap. Hindi dapat kailangang lisanin ng mga nars ang sariling bayan upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Panahon nang tiyaking ang mga nag-aalaga sa buhay ay siya ring inaalagaan ng pamahalaan—sa pamamagitan ng makatarungang sahod, sapat na suporta, at marangal na kondisyon sa paggawa.



End the silence of the gagged!

© 2026 Atenews

Terms and Conditions Privacy Policy