Hindi laging mapulang bahid ng dugo
ang mukha ng dahas;
mayroong kunwaring malinis na telang
sa totoo’y nagkukubli ng patung-patong na pandarahas kahit ‘di naman undas.
Ang sumisidhing pamamaslang sa kanayunan at kalunsuran
ay nag-aanak sa mga kamaong buong tikas na nakataas.
Ang pingkian ng mga binusabos sa mga pwersang mapanupil—
dugo ng daan-daang libo ang kumatas.
Walang pagbabanlaw, pagbubura, at pagkukubli
sa istatistika at kasaysayan ang makababago.
Hindi maglalamig ang bangketang minsang pinainit
ng mga pagdanak ng mga isansatabing tao.
Photo and caption by Elliot Dimasuhid