March 21, 2012 (6:12 AM)

1 min read

0 views

Kinamumuhian kita
Marahil ay alam mo na
Kapos man ang mga salita
Upang ito’y maipakita

Biglang naglaho
Biglang ang nagbago
Ang minsang katotohanan
Naging mapait nakasinungalingan

Aaminin kong mahusay
Ang iyong mga pagsaysay
Makukulay nasalita
Mulasa ‘yong mapaglarong dula

Mabilis naglaho
Mabilis ngang nagbago
Ang noo’y matapang mong katwiran
Isa na palang kasinungalingan

At hangal ngang matatawag
Ang pagtiwala sa isang duwag
Na bigla kang iiwan
Matapos kang pagsawaan

Tila isang bagong damit
Matapos magamit
Ay bigla na lamang pinagpalit
Sa nakaraang matagal nang punit

At hangal nga akong matatawag
Sa pagtiwala saisang duwag
Na katulad mo
Tila wala na ngang puso

Kinamumuhian kita
Ng buong puso’t kaluluwa
Sapagkat minsan man nga
Minahal pala kita

– Verge Marie Layno



End the silence of the gagged!

© 2023 Atenews

Terms and Conditions Privacy Policy