July 19, 2015 (2:43 AM)

5 min read

0 views

Liyrc Dela Cruz’s love and passion for film started when he was a child: from a small boy watching all sorts of movies in his family’s local VHS shop to a man travelling to prestigious film festivals around the world. He is a man who has truly sacrificed and suffered a lot of challenges to conquer his fate and make his dreams a reality. This year, he will be travelling to Switzerland to represent the Philippines at the Locarno Film festival with his film, “Sa Pagitan ng Pagdalaw at Paglimot.”

11739488_10204686504990489_1647140093_n

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Interview with Liyrc Dela Cruz

What is your film all about?
The film is about a strange dream, melancholia, and letting go of memories. Things that we are afraid of. Paano mo palalayain sa buhay mo ang mga alaala? This is about the nameless people who are until know trying to leave our country to find a greener pastures abroad. Ito yung melancholia ng buhay, ito yung kalungkutan na naramdaman ko sa eroplano habang nakikita ko yung babae na amaze sa mga nakikita niya sa maliit na bintana ng eroplano. Ito yung sakripisyo sa pagpasok sa buhay na walang kasiguraduhan, madalas lakas lang ng loob ang dala mo. They even sacrifice their identity sometimes, pagbaba nila sa plane ibang tao na sila.

What challenges did you experience while filming the movie?
“Ang challenge lang naman sa paggawa ng cinema ay yung commitment mo sa paggawa ng cinema at sa tiwala niyo sa isa’t isa ng mga katrabaho mo na tao. Cool lang kami, walang pressure, parang laro lang. Lahat malaya. Cinema is sacred. I learned a lot from my mentors, especially to Lav Diaz kung gaano ka-importante ang cinema na dapat yung filmmaker hindi siya gumagawa ng pelikula na nambabansot sa kamalayan ng tao. Cinema can reclaim traditions, it can correct history, nagbubukas ito ng mas malawak na diskurso sa buhay at lipunan.

How did you feel when your film was chosen?
Sobrang saya ko. Nangilabot ako. Kasi ginawa naming ang pelikula ng walang festival plan sa utak namin tapos biglang Locarno. To give you a background, trip lang ko lang talaga ito eh at first eh. Papunta kami ng Manila ni Hadji (Hadji Balajadia), may conference siya at kukunin ko mga gamit at libro ko tapos may nakasabay kami sa plane na babaeng sobrang amaze sa nakikita niya sa bintana ng eroplano. Yung amaze na malungkot at mangha, ganun yung naramdaman ko. So sinumulan kong kunan siya gamit ang phone ko then may diskurso na kami ni Hadji tungkol sa mga OFW at sa human trafficking. Unti-unti tinahi naming yung pwedeng puntahan ng mga footage ko. Pero bago kasi niyan, napanood ko ang La Jetee ni Chris Marker, namangha ako dito. Naisip ko rin na isa sa mga pinakamalungkot na lugar sa mundo ay ang mga paliparan, dito may mga kwentong natatapos, mga pasibol na simula, at pagpapalaya ng alaala. Para siyang isang lagusan sa panibagong dimension o panibagong ikaw. After nun, ng sa Manila ako, nag La Union kami ng mga kaibigan kong sina Ricky Lee at Moira Lang, humingi ako sa kanila ng tulong para madevelop ang kwento, hanggang sa nakahanap ako ng mga tao na tumulong sa akin gawin ang pelikula, kaya ito na siya. Wasak.

What is your message to other aspiring film directors?

Ayaw kong mag marunong pero sana seryosohin nila ang cinema. Makita sana nila ito ng ideolohiya dahil sa aking paniniwala na sa pamamagitan ng sining at cinema ay mas makakaambag ako sa pagbago ng kamalayan ng bayan. Ang sinasabi ko, sana, habang nasa kolehiyo ka’t dumadaloy sa iyong ugat and dugo ng isang “artist”; maging filmmaker, pintor, dancer, singer, makata o actress ka ma’y maisip mo na gamitin ang iyong sining para mas palawakin ang ating pangkultural na pakikibaka ngayong ito’y mas hinihingi ng ating panahon, ng iyong henerasyon. Hindi ba’t mas nakakatuwa na dahil sa iyong sining ay may nabubuong diskuro tungkol sa kasalukuyang pagdurusa ng bayan? Hindi ba’t mas nakakatuwa na nagiging tulay ka para mas maintindihan ng mga tao ang issue ng lipunan? Hindi ba’t mas dakila na maliban sa kasikatan ay mas inuusig tayo ng ating dedikasyon at commitment sa sining para mas gumawa pa ng mas maraming kanta, tula at sine?

Liryc Dela Cruz is currently a third year masscom student at the Ateneo de Davao University. He has made four films with Lav Diaz who is a well-known and respected film maker namely, “Norte, Hangganan ng Kasaysayan”, (which won 4 Gawad Urian awards last year), “Mga Anak ng Unos”, “Prologo sa ang Pinakadakilang Desaparacido”, and “Mula Sa Kung Ano Ang Noon” (which bagged the Pardo d’oro Award last year in Locarno, the highest honor ever accorded to Philippine Cinema and won 7 Gawad Urian awards last year and 3 Gawad Urian awards this year). He also won the Bamboo Camera Award from Kidlat Tahimik who is the Father of Philippine Independent Cinema last 2008. He has made a total of 5 short films and plans to make more socially relevant films in the near future.

 



End the silence of the gagged!

© 2024 Atenews

Terms and Conditions Privacy Policy